Presyo ng diesel may higit P2 dagdag simula Martes

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng
dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Enero
15.

Ayon sa Shell at PTT Philippines, P2.30 ang kanilang dagdag sa
kada litro ng diesel at P1.40 dagdag sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ang Shell ng P2 dagdag sa kada litro ng
kerosene.

Ito ang ikalawang sunod na linggo nitong taon na nagkaroon ng
taas-presyo sa petrolyo. Noong
nakaraang linggo
, nasa P0.70 ang taas-presyo sa kada litro
ng diesel, P0.80 sa gasolina, at P0.40 sa kerosene.

SABAY SA EXCISE TAX

Nauna nang magpahayag ang ilang motorista at tsuper ng
pamomroblema
sa taas-presyong ipatutupad sa Martes dahil sa
posibilidad na sumabay dito ang isa pang taas-presyo dahil sa
ikalawang bugso ng excise tax o mas mataas na buwis sa langis.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na maaari
lamang ipataw ng mga kompanya sa bagong stock ng langis ang
taas-presyo dahil sa excise tax.

Sa pagtatantiya ng DOE ay sa kalagitnaan o katapusan ng Enero
mauubos ng mga kompanya ng langis ang kanilang lumang stock

–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.