Presyo ng melon sa Pampanga, bumagsak

PAMPANGA – Bagsak-presyo na ang mga melon sa Barangay Pasig,
Candaba, Pampanga.

Nasa P8 kada kilo na lang ito mula sa P25 hanggang P30 noong
Kapaskuhan.

Bagay na sinasamantala ng ilang retailer.

“Piliin nalang po ‘yung maayos… pagkakataon na ito para
kumita ulit,” kuwento ng isang ginang.

Marami rin sa mga melon ang nabulok dahil sa ulan na dala ng
bagyong Usman.

“Gawa ng ulan natubigan, pumutok ang mga melon, nasira,” ani
Ferdinand Mallari.

Sa Barangay Paralaya, Candaba, tambak din ang mga nasirang
honeydew.

“Dahil sa ulan, sumobra sa tubig nabulok… bunga na, naging
bato pa,” ani Alfredo Pamintuan, isang magsasaka.

Iniaalok na lang ito sa P20 hanggang P25 kada kilo mula sa P35
hanggang P40. – ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN
News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.