Pulis, ginulpi ng 5 lalaki sa Maynila

Sugatan ang isang pulis matapos pagtulungang bugbugin ng 5
lalaki sa Paco, Maynila.

Kuwento ni PO1 Christopher Pizzaro, binabagtas niya ang
Peñafrancia St. sakay ng motorsiklo nang biglang banggain ng
riding-in-tandem.

Hinarang din umano siya ng isa pang riding-in-tandem at isa
pang lalaki at saka ginulpi.

Sumuko naman ang mga suspek sa Barangay 816 na napag-alamang
magpipinsan pala at isa nilang tiyuhin.

Depensa ng isa sa mga suspek, inangasan sila ng pulis habang
sakay ng motorsiklo. Pinaputukan pa umano sila ng baril ng
pulis sa paa.

Aniya, napilitan silang sumuko para ibalik ang baril na kinuha
mula sa pulis sa takot na barilin sila nito.

Ayon kay Senior Insp. Edwin Fuggan ng Pandacan police, maaaring
mahaharap sa kasong physical injuries ang mga suspek.

Galing pa umano sa trabaho sa Beata Police Community Precinct
ang biktima nang mangyari ang insidente.

Nagpapagamot na sa ospital si Pizzaro matapos magtamo ng mga
sugat sa ulo at katawan. – ulat ni Arra Perez, ABS-CBN
News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.