Pulis na dawit sa pagpatay arestado sa Olongapo

Naaresto ng mga awtoridad sa Olongapo City ang isang pulis na matagal nang liban matapos madawit sa kaso ng pagpatay, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang suspek bilang si Patrolman Elias Gamboa, na dating nakatalaga sa Manila Police District.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas para sa kasogn murder, dinampot ng NCRPO Regional Intelligence Division si Gamboa sa Olongapo noong Lunes, araw ng halalan.

Si Gamboa ang sinasabing responsable sa pagpatay sa isang 60 anyos sa babae sa Maynila noong Oktubre 5, 2005. Nagtamo ng 19 saksak sa katawan ang biktima. –Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.