Punong barangay, patay sa pamamaril sa Iloilo

CALINOG, Iloilo – Patay ang isang punong barangay sa matapos
pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Calinog, Iloilo nitong
Martes ng umaga.

Nagtamo ng 2 tama ng bala sa kaniyang tagiliran si Eustaquio
Porras, 49-anyos, punong barangay ng Barangay Lonoy.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang motorsiklo si
Porras papuntang bayan nang mangyari ang pamamaril.

Ayon sa mga nakakita, nagkaputukan pa ang magkabilang panig
bago humarurot palayo ang mga salarin.

Dinala pa sa ospital si Porras ngunit binawian din ng buhay.

Away-politika ang isa sa tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Ayon sa pamilya nito, ilang beses na umanong nakatanggap ng
banta sa buhay si Porras.

Noong 2008, binaril ang biktima ng riding-in-tandem pero
nadaplisan lang ng bala.

Makalipas ang 3 taon, tinambangan ulit si Porras pero ang
kasamahan nito sa barangay ang natamaan.

May tinutukan ng persons of interest ang pulisya kaugnay sa
insidente. – ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN
News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.