Serye ng rollback sa petrolyo, posibleng maputol sa susunod na linggo

Mahigit P1,000 rin ang natipid ng family driver na si Romy San
Juan dahil sa walong sunod-sunod na linggong nagkaroon ng
bawas-presyo sa diesel.

Ayon kay San Juan, nadismaya siya nang malamang posibleng
maputol na ang serye ng bawas-presyo sa susundo na linggo dahil
sa pagmahal ng langis sa pandaigdigang merkado.

“Para sa aming mahihirap, kulang pa,” ani San Juan.

Sa unang tatlong araw kasi ng trading, o mula Disyembre 3
hanggang 5, nasa P0.47 na ang iminahal ng imported na gasolina
at P0.10 naman sa diesel.

Tinatayang maglalaro sa P0.30 hanggang P0.50 ang taas-presyo sa
petrolyo sa susunod na linggo, ayon kay Danny Alabado,
presidente ng PTT Philippines Trading Corporation.

“The range here, if there won’t be any change in the trend, the
range could be a price of somewhere around P0.50 to P0.30,” ani
Alabado.

Tumaas man ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, sa
pangkalahatan, ayon sa mga eksperto, hindi naman sisipa ang
presyo ng krudo sa world market kahit tapyasan pa ng
produksiyon ng langis.

Nagsimula na rin ang pulong ng Organisation of the Petroleum
Exporting Countries (OPEC) sa Vienna, Austria para isapinal ang

planong bawas
na higit 1 milyong bariles ng langis kada
araw.

Samantala, sinimulan namang pag-usapan sa Kongreso ang
panukalang pag-alis ng buwis sa langis.

Nilinaw naman ng gobyerno na hindi agad papatak sa Enero 1 ang
dagdag-buwis sa langis dahil may imbentaryo pa dapat ng lumang
langis na hindi pa napatawan ng mas mataas na buwis.

–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.