‘She knows me so well’: Edward, itinuturing si Maymay na ‘biggest critic, biggest supporter’

MAYNILA — Masayang ibinahagi ni Edward Barber ang mga naging
puna ng onscreen partner niyang si Maymay Entrata sa kanyang
pagganap sa pelikulang “First Love.”

“She dissected everything, she remembered parts of the movie,
‘Edward ito, naramdaman ko na that was your first day no?’ And
she was right,” sabi ni Edward sa naging panayam ng
entertainment bloggers sa kanya.

Kuwento pa niya, todo rin ang ginawang pag-aral ni Maymay sa
mga eksena ni Edward sa pelikula. “She said, ‘I saw you were
nervous there,'” halimbawa ng nagsisimulang aktor.

Nakatanggap man ng mga puna mula kay Maymay, nagpapasalamat pa
rin si Edward sa pagsuporta ng isa sa kanyang maituturing na
malapit na kaibigan.

“I think it’s something that maybe not people can see. I think
because she knows me so well, I think she took notes on her
phone about the points of the movie,” aniya.

“So she is one of my biggest critic and one of my biggest
supporter,” pahayag pa ni Edward.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.