Singil ng Maynilad at Manila Water, bababa simula Abril 1

Magkakaroon ng bawas sa singil ng tubig ang Maynilad at Manila
Water simula sa Linggo bunsod ng galaw sa palitan ng piso
kontra dolyar, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage
System.

Nasa P0.04 ang bawas ng Manila Water sa kada cubic meter ng
tubig habang P0.01 naman sa kada cubic meter ng Maynilad.

Para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 20 cubic meter, katumbas
ang bawas-singil ng P0.23 sa Maynilad at P0.45 sa Manila Water.

Kapag 30 cubic meter, P0.46 naman sa Maynilad habang P0.91
naman sa Manila Water.

— May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.