‘Star Power’ finalist, nanawagan ng tulong kay Sharon Cuneta

MAYNILA — Tuloy pa rin sa pag-abot ng kanyang pangarap si
Natasia Cunanan na minsang naging bahagi ng Kapamilya singing
search na “Star Power” kung saan nagwagi si Angeline Quinto.


Sa kanyang maituturing na first major concert sa Music Museum,
baon ni Natasia ang pag-asa na muling madudugtungan ang buhay
ng kanyang ina na may brain tumor.

“Itong benefit concert na ito is for my mother, mayroon siyang
brain tumor. Actually naoperahan na siya before with the help
of miss Sharon Cuneta,” tugon ni Natasia.

Aniya, ang “Star Power” host noon na si Sharon Cuneta ang isa
sa unang tumulong sa kanyang ina.

“Noong nalaman niya kung bakit ako sumali sa ‘Star Power,’ kasi
para mapagamot nga ang mother ko, binulungan niya ako. Sabi
nya, ‘Win or lose, ako na bahala sa mama mo.’ Ngayon po
nag-recur ‘yung tumor at nagkaroon ng infections,” ani Natasia.

At dahil muling nangangailangan ng malaking halaga para
maipagamot ang kanyang ina, hiling ngayon ni Natasia na muli
siyang matulungan ni Megastar.

“Sana mabigyan ng chance na makarating sa kanya itong condition
ni Mama,” aniya.

Sa kabila nito, nananatiling positibo si Natasia na muli pang
madudugtungan ang buhay ng kanyang ina.

Mapapanood ang benefit concert ni Natasia ngayong January 11 sa
Music Museum kasama sina Katrina Velarde, Benjamin Manalo, at
Angeline Quinto.
 

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.