Suspek sa pagpatay ng pulis na umawat sa away sa QC, sumuko na

MAYNILA – Sumuko na ang isa sa mga suspek sa pamamaril ng pulis na umawat sa isang away ng mga kalalakihan sa isang gasolinahan sa Novaliches, Quezon City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica, haharap sa media ang suspek na si Antoñino Salvador sa Biyernes.

Ayon sa pulisya, maghahating gabi noong Oktubre 6 nang rumesponde sa nasabing kaguluhan sa Barangay Kaligayahan si Patrolman John Christian Magtoto at 2 pang kasamahan nito.

Nang pumagitna si Magtoto sa kaguluhan, siya ang pinagbalingan ng galit.

Bumunot umano si Salvador ng baril na at pinaputukan ang bumagsak na Magtoto saka binaril din ang naka-alitan na si Vincent Genovania.

Naisugod sa ospital si Magtoto at Genovania pero binawian din ng buhay ang mga ito.

Matapos ang insidente ay nahuli ang isa sa mga suspek habang nakatakas si Salvador.

Sinampahan na ng dalawang bilang ng murder ang mga suspek.

– Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.