Temporary ban sa karneng baboy mula Luzon, iminungkahi sa Negros Occidental

Isang resolusyon ang ipinasa ng Provincial African Swine Fever Task Force na pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok sa lalawigan ng karneng baboy mula sa Luzon. Mitch Lipa, ABS-CBN News

Inirekomenda ng Provincial African Swine Fever Task Force ng Negros Occidental sa isang resolusyon ang pansamatalang pagbabawal sa pagpasok ng karneng baboy mula sa Luzon sa loob ng 100-araw.

Kasama sa resolusyong ipinasa ng task force sa ipinatawag na emergency meeting Martes ng umaga ang panawagan sa mga hotel and restaurant operators sa lalawigan na ipagbawal muna ang pag-import ng meat products.

Nananawagan din ang task force sa backyard hog raisers sa probinsiya na paigtingin ang pagbantay sa kanilang mga merkado.

Ang Provincial Veterinary Office ay nagdagdag ng personnel sa Bacolod Port upang palakasin ang inspection sa pantalan.

Nababahala ang mahigit 15,000 backyard hog raisers dahil malaking industriya ang hog raising sa probinsiya ng Negros Occidental.

Ayon kay Dr. Renante Decena, Provincial Veterinarian, mahigit P6-bilyon na ang hog raising industry sa Negros. 

May 510,000 heads ang populasyon ng baboy sa buong probinsya at 88 porsyento nito ay nasa backyard raisers at 12 porsyento naman ay sa commercial hog raisers. 

Dagdag pa ni Decena, maituturing na pinakamalaking producer ng backyard hog raising ang probinsya.

Ang resolusyon ay nakatakdang isumite sa tanggapan ni Governor Eugenio Lacson at Sanguniang Panalalawigan ng Negros Occidental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.