TINGNAN: ‘Bridal bike’ sinakyan ng bagong kasal sa GenSan

Courtesy of Laurenz Suarez

GENERAL SANTOS CITY – Agaw-atensiyon ang bagong kasal na sina Ramil at Emirita Quicio sa Zone 2A sa Barangay Bula nang sumakay sila sa “bridal bike” papunta sa reception ng kanilang kasal noong Biyernes ng hapon. 

Sa kuhang video ni Laurenz Suarez, maririnig ang mainit na pagbati ng mga mahal sa buhay ng bagong kasal. 

Saglit pang natigil ang pagbibisikleta ng mag-asawa dahil na-flat umano ang gulong nito.

Higit 1 taong nagsama ang 63 anyos na si Emirita at ang 49 anyos na si Ramil bago sila magpakasal. 

Bago magkakilala, biyuda na si Emirita, isang zumba dancer na may 5 anak at 14 na apo. Single naman noon si Ramil, na nagtatrabaho bilang welder. 

May espesyal umano na kahulugan ang pagsakay nila ng bridal bike, ayon kay Emirita. 

“Araw-araw kasi ‘yan ang gamit niya papunta sa trabaho sa construction. Kaya special sa amin kasi diyan kami nabubuhay sa tulong ng bike,” pahayag ni Emirita.

Isinabay ang kasal sa kaarawan ni Emirita para mas tipid umano sa gastos ang mag-asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.