Tropical depression posibleng mag-landfall Martes: PAGASA

Sa Linggo inaasahang papasok sa loob ng Philippine area of
responsibility ang tropical depression na tatawaging
“Samuel.” Inaasahan din na tatama ito sa lupa sa Martes sa
bahagi ng Eastern Visayas at Caraga Region, ayon sa PAGASA.

MAYNILA – Inaasahang papasok sa Philippine area of
responsibility (PAR) ang binabantayang tropical depression sa
Linggo at tatama sa lupa sa Martes, ayon sa PAGASA. 

Ayon kay weather forecaster Meno Mendoza, tatawagin itong
bagyong “Samuel” pagpasok sa bansa. 

Namataan sa layong 1,615 kilometers silangan ng Mindanao ang
weather system Sabado ng umaga. Taglay nito ang lakas ng
hanging umaabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at
may pagbugso na umaabot sa 60 kph.

Kumikilos ito sa direksiyong pa-kanluran sa bilis na 20 kms
kada oras.

Ayon kay Mendoza, posibleng mag-landfall ang tropical
depression sa bandang Visayas at Caraga-Surigao area sa
Martes. 

“Pinapayuhan natin ang kababayan nating maghanda dito sa lugar
ng Eastern Visayas at Caraga Region dahil posibleng
mag-landfall ang ating bagyong binabantayan possible Tuesday
po,” ani Mendoza sa panayam ng DZMM Sabado ng umaga.

Wala pang nakataas na gale warning sa ngayon at ligtas pa ring
makakapalaot ang mga mangingisda.

Samantala, patuloy pa rin aniyang nakaaapekto ang amihan sa
hilagang Luzon na magdadala ng pulo-pulo at mahihinang mga
pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at
Cagayan Valley. 

“Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin
ang maaliwalas na panahon [at] posibilidad pa rin ng
panandaliang pagbuhos ng ulan tulad ng localized thunderstorm,”
sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.