Tuko, nagdulot ng brown-out sa ilang bahagi ng Puerto Princesa

Nawalan ng kuryente sa ilang barangay ng Puerto Princesa,
Palawan umaga ng Biyernes dahil sumabit umano ang isang tuko sa
linya ng kuryente. 

Sa Facebook
post
ng Palawan Electric Cooperative (Paleco), makikitang
nakalambitin ang isang tuko sa linya ng kuryente sa harap ng
Sta. Monica Parish Church. 


Dahil sa tuko, pansamantalang nawalan ng kuryente ang ilang
bahagi ng Barangay Iwahig at Barangay Sta. Monica. 

Naibalik ang suplay ng kuryente bago mag alas-7 ng umaga
Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH
para sa iba pang mga balita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.