Vice Ganda, binalikan ang pait at saya ng nakaraan sa librong ‘Tutoy’

MANILA — Engrandeng piyesta ang naging ganap sa book launch ni Vice Ganda sa kanyang self-titled na libro na “Tutoy: Ang Fantastic Kwento ng Vaklang Twoooo!!!”.

Dito inamin ni Vice na hindi biro ang naging proseso ng pagbuo ng kanyang libro.

“Noong sinusulat namin ito, ang hirap. Nu’ng interview pa lang habang niri-record namin, ‘yung nagkukuwento ako, marami silang itinatanong, mahirap. Ang hirap ilabas. Kasi siyempre habang lumalaki ako may mga bahagi ng buhay mo na gusto mong talikuran, gusto mong kalimutan, pero sa librong ito kailangan ko silang alalahanin ulit kasi it’s worth sharing. Kaya hindi ko rin siya pinagsisisihan,” ani Vice Ganda.

Ayon pa kay Vice Ganda, kasama rin sa kanyang libro ang kaniyang karanasan sa buhay pag-ibig noong kanyang kabataan.

“Siyempre nu’ng bata tayo mayroon tayong tinatawag na ‘puppy love,’ ‘yung mga best friend-best friend muna. ‘Yung naguguluhan ako kung best friend ko ba ito o may gusto ako sa kanya, ‘yung mga ganu’n,” ani Vice Ganda.

At kung may masasayang bahagi ng kanyang buhay pag-ibig, hindi rin ipinagdamot ni Vice Ganda sa libro ang mga personal na hugot sa kaniyang dinanas noon.

“May mga masasakit na pangyayari, pero sinimplify namin ‘yung pagkukuwento kasi ayaw naman namin na pagkatapos magbasa ay may mababagabag. Gusto namin ay kahit hindi maganda ang karanasan, positive ang dating sa mga tao kasi mayroon silang pulot,” ani Vice Ganda.

Mabibili na sa leading bookstores ang “Tutoy: Ang Fantastic Kwento ng Vaklang Twoooo!!!”.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.